🥊SAPUL sa NGUSO! UNDEFEATED Puerto Rican na OVERCONFIDENT sa LABAN, SILAT sa MEXICAN na may 11 TALO! |
|
PAHIYA TULOY sa mga KABABAYAN! OVERCONFIDENT kasi na MANANALO!
Isa sa mga upcoming boxers noon mula sa bansang Puerto Rico ay ang former 2 division world champion na si Juan Manuel “JuanMa” Lopez. Kasama sa kanyang mga naging biktima ay ang ating kababayang sina Gerry Penalosa at Bernabe Concepcion. Ngunit matapos ang mahigit limang taon ng pag-iingat sa kanyang undefeated record – nagwakas ang paghahari ni JuanMa sa kamay ng boksingerong may 11 talo. Sabado, April 16, 2011 sa Coliseo Ruben Rodriguez in Bayamon Puerto Rico Naganap ang isa sa mga biggest upsets in Puerto Rican boxing history ng magtapat ang nooy Top 10 pound for pound fighter na si Juan Manuel JuanMa Lopez at Orlando Siri Salido. Mabilis na kwento lang tungko sa career ng dalawa. Hindi naging maganda ang panimula ni Salido ng pasukin ang pro-boxing sa edad lang ng kinse anyos. Unang laban e talo agad. Sa first 15 fights ni Salido sa pro – nakapagtala na siya agad ng 6 na talo. Kahit na natalo sa ikawalaong pagkakataon via Majority Decision ng maging late replacement bilang opponent ni Alejandro Gonzalez noong 2001 – marami ang nagsabi na ginawa daw ni Salido ang lahat para manalo. Simula noon, umarangkada na ang career ni Salido hangang sa maging challenger ng nooy WBA and IBF Featherweight champ Juan Manuel Marquez noong 2004. Kahit na totally outclassed at natalo via unanimous decision – nabansagang dark horse si Salido sa Featherweight division. Makaraan ang mahigit 2 taon – nabigyan na naman ng pagkakataon si Salido na lumaban sa kampeonato kontra sa nooy IBF Featherweight champ – Robert Guerero Sa kauna-unahang pagkakataon – ipinakita ni Salido ang kayang ring experience at tunay na talent sa boxing ng maagaw ang korona ni Guerero via Unanimous Decision at maging IBF Featherweight champ Ngunit – ang masakalap – na overturned ang kanyang panalo to No Decision dahil nagpositibo si Salido sa steroid. After almost 2 years, October 2008 – nakatapat naman ni Salido si Cristobal Cruz para sa bakanteng IBF Featherweight Title ngunit nabigo. Pero ni-resbakan muli ni Salido si Cruz noong May 2010 at finally naging IBF Featherweight champion. Ngunit makaraan lang ang 4 na buwan – Nawala ang titulo ni Salido ng matalo sa unification bout vs WBA Featherweight Champ – Yuriorkis Gamboa. Samantalang si Juanma Lopez naman na may magandang amateur pedigree ay pumasok sa pro boxing noong 2005 at kumamada ng 30 sunod sunod na panalo. Marami ang nagsasabing si JuanMa daw ang susunod sa mga yapak ng kababayang si Miguel Cotto lalo na ng tapusin ni Lopez ang pananalasa ng nooy WBO Super Bantamweight king Daniel Ponce De Leon sa loob lang ng first round noong June 2008. Napensahan pa ni Lopez ang kanyang WBO Super Bantamweight belt ng limang beses bago umakyat sa Featherweight division at talunin ang nooy WBO Featherweight king Steve Luevano nong January 2010. Ang naiisip kong plano sana ng kampo ni Lopez ay testingin ang kalidad ng kanilang alaga kontra kay Salido. Dahil tinalo ni Yuriorkis Gamboa si Salido via unanimous decision. Kung tatalunin ni Lopez si Salido via stoppage – lalakas ang loob ng kampo ni Juanma na kakayanin talaga nila si Gamboa dahil sandamakmak ng mga boxing fans ang nag-uulot noon na maglaban na sina Lopez at Gamboa. Tale of the tape tayo Si Orlando Salido ay may kartadang 34 wins with 22 knockouts 2 draws, isang No Decision at may 11 talo. Samantalang si Juan Manuel Lopez naman ay may perfect record na 30 wins with 27 knockouts. Tara mga parekoiz at panoorin natin ang full fight highlights ng bakbakang Juan Manuel Lopez vs Orlando Salido at kayo na ang humusga kung tama ba ang stoppage ng referee. Credit Music Song : Mortals Artist : Warriyo, Laura Brehm Licensed to YouTube by : AEI (on behalf of NCS); UNIAO BRASILEIRA DE EDITORAS DE MUSICA - UBEM, LatinAutor, LatinAutorPerf, Warner Chappell, Featherstone Music (publishing), LatinAutor - Warner Chappell, and 5 Music Rights Societies NCS Music : https://www.youtube.com/watch?v=yJg-Y5byMMw NCS Spotify: http://spoti.fi/NCS Free Download / Stream: http://ncs.io/mortals Fair Use Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. #SPORTSMANDA |